[Transcriber's note: Mistakes in the original published work has beenretained in this edition.][Paalala ng nagsalin: Hinayaang manatili sa edisyong ito ang mgapagkakamali sa orihinal na pagkakalimbag.]

Isang magsasapatos ay nananahanan sa isang nayon na kasama ang kanyang asawa't anak. Sila'y nakatira sa bahay ng isang mujik (may pagawaan ng sapatos), sapagka't sila'y walang bahay o lupa man at bahagya nang makakita ng kanilang maipagtatawid-buhay. Ang tinapay ay mahal, at may kahirapan ang panahon; kung gaano ang makita niya ay kanilang pinagkakasiya, siya'y walang anumang tinatangkilik at ang kanyang asawa'y wala kundi iisang chuba[1] na totoong luma na. May ilan nang taong naghahanap ng salapi ang magsasapatos upang maibili ng mga balat ng tupa at ng kanyang magawang bagong chuba o pambalabal.
Ng panahong tagulan ay nakatipon ng kaunti, ng tatlong rublo na kanyang naingatan sa sisidlan ng kanyang baba (asawa). Sa kapit nayon ay may nagkakautang sa kanya ng limang rublo at dalawang pung kopek [3].
Isang umaga ay pinasiyahan ng magsasapatos na maghanap ng mga katad.Páhiná 4 Nagbihis, nagkubong sa ulo ng isang panyo, isinilid sa bulsa ang tatlong rublo, kinuha ang kanyang tungkod at pagkatapos na makapag-agahan ay yumaon.
Sisingilin ko sa muhik ang limang rublo,—aniya,—idaragdag ko rito sa tatlo, saka ko ibibili ng mga katad na magagawang chuba.
Pagsapit sa kanyang sinadyang nayon ay tinungo ang bahay ng muhik. Ang muhik ay nakaalis na: at ipinangako na lamang ng baba na sa linggo ring yaon ay dadalhin ng kanyang asawa ang kuwarta, nguni't walang ibinigay.
Sa ibang bahay ay ipinagtapat sa kanya na walang maibabayad, kundi dalawang kopek muna. Iniisip ng magsasapatos na siya'y makauutang ng mga katad; datapwa't di siya pinagkatiwalaan ng maytinda.
Bayaran mo ako,—ang sabi sa kanya,—at pumili ka ng iyong ibig, sapagka't alam na namin kung gaano kahirap ang maningil.
Hindi nga nangyari ang panukala ng mag-sasapatos; wala naman siyang dala, liban na sa dalawampung kopek na kanyang nasingil sa Páhiná 5 pagtatagpi ng isang valenki[1] na sa kanya'y ipinagawa.
Sa sama ng kanyang loob ay napasa isang tindahan ng alak at iniinom ang kanyang dalawampung kopek saka yumaong walang dalang katad. Ng umagang yaon ay di siya nakaramdam ng ginaw at subali ay nainitan pa, dahil sa pagkainom ng alak. Sa kalasingan ay tignan ninyo at pinaiikot ang tungkod at isinasaksak sa mga dakong pinamumuuan ng tubig; natutuwa at pinapipihitpihit sa kanyang mga kamay ang mga valenki; at nagsasalita ng ganito:
Wala man akong chuba o balabal ay naiinitan ako, sapagka't tumungga ako ng kaunting alak; ang tiyan ko'y busog sa alak; anup